Bibinida ni DTI Provincial Director
Edna Dizon ang mga magagandang Accomplishment ng DTI sa labas ng lalawigan
pagdating sa usapin ng pangangalakal.
Partikular na timukoy ni Dizon and
malaking tulong na naidulot ng diskwento karavan ng DTI kung saan ay naghahatid
sila ng mga murang bilihing kagamitan sa Eskuwela sakay ng diskuwento
Caravan Vehicle ng DTI. Dito ay maraming kapos sa badyet ang nagkaroon ng
pagkakataong makumpleto ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa pag-aaral.
Ipinakita rin niya naging malaking epekto ng pagsasagawa ng mga lakbay aral sa
mga pamilihang bayan ng karatig lalawigan gaya ng San Jose City at Bagsakan Center
of villasis. Tinukoy ni dizon na isang magandang halimbawa ang nabanggit na mga
pamilihan dahil sa taglay nitong kagandahan dahil naman sa pagpapanitili dito
ng kalinisan.
Sanhi naman nito, kanya-kaya naman
reaksiyon ang mga pangulo ng mga Organisasyong dumalo sa pagpupulong. Mabuti pa
anila ang mga pamilihan sa San Jose City at Villasis, napagtutuunan ng pansin
at di katulad dito sa lalawigan ng Aurora kung saan, marami pa rin ang hindi
maayos at madumi ang paligid ng mga pamilihan.
Comments
Post a Comment