FLAG RAISING CEREMONY PINANGUNAHAN NG AFP - Baler, Aurora

Nakiisa ang mga Reservist at  Enlisted Personel ng 307 CDC ARESCOM Aurora kasama ang mga kawal ng 48 Infantry “Kaugnay” Battalion sa unang Flag Raising Ceremony sa unang pagbubukas ng klase nitong Lunes, Hunyo 3, 2013.

Pinangunahan ni CPL. Francis Isidro ng CDC AESCOM ang mga laang kawal, samantalang pinangunahan naman ni 1LT. Kelvin Bayaban ng Infantry P.A ang mga kawal ng 48IB.

Ang mga Reservist at Sundalo ang nanguna sa mga mag-aaral sa pag-awit ng pambansang awit at pagtataas ng watawat, sila rin ang nanguna sa panunumpa ng panatang makabayan.

Isinagawa ang aktibidad sa Setan Elementary School at Calabuanan Elementary School, mga paaralang nasasakop ng Barangay Calabuanan sa Bayan ng Baler kung saan dito rin nakabase ang himpilan ng 48IB at 307 CDC ARESCOM.

Ang naturang aktibidad ay sang ayon sa kautusan ng CHIEF of Staff ng Armed Forces of the Pilippines (AFP), ukol sa pakikipagpartisipa ng AFP at PNP Personnel sa unang flag Raising Ceremony kaugnay sa pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan, sa pakikipag-ugnayan na rin sa Department of Education. (Rey Fernando)

Comments