GURO TINUTUKAN NG BARIL, KAPITAN KINULONG - Maria Aurora, Aurora

Pormal nang sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 7610, Direct Assault, In person on Authority, at Death Threat ang Kapitan ng Barangay Ditailen, Maria Aurora, Aurora.

Nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora si Barangay Captain Joseph Manubay y Asonsion, nasa hustong taong gulang, residente ng nabanggit na lugar, matapos umano itong manggulo at manutok ng barel sa isang Master Teacher I, sa Ditailen Elementary School.

Ang nagrereklamo ay kinilalang si Mr. Fermin Sindac y Pimentel, nasa hutong taong gulang, guro sa naturang paaralan. 

Ayon kay Mr. Sindac, dakong ika-4:00 ng hapon nitong Lunes nang mangyari ang panggugulo nang puntahan ng suspek ang class room kung saan nagtuturo ang guro, bumunot umano ng revolver at itinutok sa kanya.

Nakita umano ng mga batang mag-aaral ang panunutok sa kanilang guro kaya’t nanginig sa takot ang mga ito.

Agad namang naitawag sa PNP Maria Aurora ng ilang residente sa lugar para ipagbigay alam ang pangyayari, at agad namang nagresponde ang mga otoridad. 

Nanglaban pa umano si Manubay nang ito ay imbitahan na sumama sa himpilan ng Polisya at nasaktan pa ang ilan sa mga pulis. (Arnel M. Turzar/Guiller Necesito)

Comments