KALIGTASAN PINAIIGTING PA NG PNP - Casiguran, Aurora

Patuloy ang pagbibigay ng information drive at information dissemination  ang PNP sa Casiguran Aurora patungkol sa Pampublikong Seguridad partikular sa mga paaralan lalo na ngayong panahon ng pasukan.

Tiniyak ni PINS. Ronel Duque, Hepe ng Casiguran PNP, na hindi titigil ang puwersa ng Kapulisan na bumisita sa mga Barangay na nasasakupan ng Bayan ng Casiguran lalo na sa mga paaralan upang magbigay ng information drive at information dissemination patungkol sa public safety lalo na sa mga nagmamaneho ng morsiklo.

Mahigpit pa rin nilang ipinatutupad  ang No helmet policy at ang mga traffic rules upang maiwasan ang aksidente sa mga lansangan na ang kadalasang sangkot ay menor de edad.

Dagdag pa ni Duque, dapat umanong ginagawa ng magulang ang kaukulang responsibilidad sa kanilang mga anak na menor de edad na dapat sila ang numero uno na nagbibigay ng guidance o ang pagtuturo ng tama na dapat gawin at hindi dapat sila ang mangunsinte.

Apila ng PNP sa mga magulang na makipagtulungan ang mga ito sa otoridad para gabayan ang mga menor de edad dahil hindi naman umano kayang gampanan lahat ng kapulisan, mas maganda kung magkakasama ang lahat maging ang mga ahensya ng gobyerno at pribadong tanggapan para maisulong ang tiyak na seguridad ng Bayan at pamumuhay ng bawat isa. (Arnel M. Turzar)

Comments