KAPIHAN @ DTI, PATULOY NA IPINATUTUPAD SA AURORA

Tuloy-tuloy ang pagpapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ng kanilang “KAPIHAN @ DTI” bilang isang pamamaraan upang ipaalam sa publiko ang mga accomplishment at program implementation updates ng ahensya.

Ang kapihan ay isang buwanang sesyon, kung saan regular ding inaanyayahan ang mga partner agencies at stakeholder ng DTI tulad ng Philippine Chamber of Commerce ang Industry-Aurora chapter (PCCI-Aurora), Baler Consumer Organization Center (NERBAC), mga kinatawan mula sa LGUs at mga kinatawan ng iba’t-ibang radio station at iba pang media sa Aurora.

Batid ng DTI na ang media rin ang may kakayahang mangalap ng impormasyon ukol sa mga issue na saklaw ng DTI at nakaapekto sa mga mamayan.

Gayundin ang iba’t ibang kinatawan ula sa iba’t ibang pribado at pangpamahalaang sektor ay kasama sa KAPIHAN upang makibahagi sa mga usapin ukol sa investment promotion, business regulation, business development at consumer welfare sa Business Permit and Licensing System, Local Incentive Code, Local Price Coordinating Council at iba pang Current issue na nakakaapekto sa mga mamamayan sa iba’t-ibang Bayan sa Aurora.

Upang mas  maging epektibo ang pagsasagawa ng KAPIHAN at mas maging malawak ang partisipasyon ng mga sector concerned lalo na ng mga LGUs, plano ng DTI na dalhin sa bayan-bayan ang mga KAPIHAN SESSION. (Arnel M. Turzar)

Comments