KAPITAN, PANATILIHIN ANG KALINISAN - Baler, Aurora

Mahigpit na ipinatutupad ang paglilinis sa paligid partikular sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora para maiwasan ang pagdami ng lamok sa lugar.

Tiniyak ni Barangay Kapitan Carlito Morillo na paiigtingin nila ang pagpapatupad ng programang kalinisan sa kanyang nasasakupan upang maiwasan ang pagdami ng lamok na siyang pinagmumulan ng sakit na Dengue.

Matatandaang isa sa mga naiulat na diumano ang Barangay Suklayin ay isa sa mga lugar na positibo sa sakit na Dengue.

Kayanaman panawagan ni Morillo sa lahat ng mamamayan hindi lamang sa kanyang nasasakupan na panatilihin ang kalinisan ng paligid at kaayusan ng mga basura para maiwasan ang mga sakit na nagmumula sa maduming paligid.

Hinihimok ni Morillo ang lahat ng kanyang kabarangay na makiisa, makisangkot at suportahan ang mga programa ng pamahalaan partikular ang programa ng Barangay lalot higit ang programa sa kalinisan para lalalo pang umunlad ang pamayanan. (Arnel M. Turzar)

Comments