LALAKI NAGPAPUTOK NG BARIL ARESTADO - Esteves, Casiguran, Aurora

Arestado ang isang lalaki matapos itong magpaputok ng baril sa Barangay Esteves, Casiguran, Aurora.

Kinilala ang suspek na si Asrap G. Ampatuan, 32 taong gulang, residente ng San Juan City, Metro Manila.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Casiguran PNP, nagpaputok umano ang suspek na nagdulot ng iskandalo na syang ikinatakot at ikinabahala ng mga residente sa lugar, agad naman nilang inireport sa himpilan ng pulisya, mabilis namang inayudahan ng Casiguran PNP sa pangunguna ni SPO1 Danilo Mendoza ng Bianoan compact base.

Agad naaresto ang suspek at narecover sa kanya ang pistol caliber 45. Ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa illegal possession of fire arms ang suspek na si Ampatuan.

Napag alaman na nagbabakasyon lamang umano ang suspek kasama ang leave in partner nito. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments