LANSANGAN GINAGAWANG BILARAN NG MGA PASAWAY SA AURORA

Tila hindi alintana ng ating mga kababayang pasaway ang pagbibilad ng palay at mais sa mga pampublikong lansangan particular sa mga daang maharlika ng Barangay Mucdol, Barangay Dianed, sa Bayan ng Dipaculao, at Barangay Riserva sa Baler, Aurora.

Ayon sa reklamong natanggap ng CMN News sa ilang mga motorist, hindi lamang abala ang dulot ng mga ito kundi nagiging mitsa sa kapahamakan.

Binabato pa umano sila ng ilang mga tagapagbilad pagkanilang nasasagasaan ang mga bilad na palay at mais.

Kaya naman patuloy na nananawagan na sanay aksyonan ang problemang ito na hindi lingid sa mga kaalaman ng mga kinauukulan na responsible na may ordinansang pinapairal dito.

Inilunsad ang kautusang ito ng pamunuan ng Department of Public Work and Highway Region 3 dahil naniniwala sila na sapamamagitan ng kautusang ito ay  para maiwasan na ang mga aksidente na dulot ng mga nagbibilad ng palay at mais.
Dahilayonsa DPWH, highways are not a solar dryers. (George Balbero)

Comments