Umaasa ang 25 Holder
ng Integrated Social Forestry o ISF sa Sitio Dalugan, Barangay San Ildefonso,
Casiguran Aurora, na mairerenew ang kanilang Certificate Stewardship Contract
sa 2014, ito ay matapos sabihin ni Pangulong Binigno Aquino III noong
makipag-dialogue ang mga magsasaka, mangingisda at katutubo sa Pangulo noong
2012.
Sinabi ni Presidente
Aquino na pagbibigyan ang kahilingan na irenew ang mga ito para sa susunod na
25 taon kontrata ng ISF sa lugar.
Dahil dito nagsagawa
dialogue sa pagitan ng Department of Environment and Natural Resources ng
Casiguran at ng mga Integrated Social Forestry holder kamakailan, kaharap din
ang mga concern sa nasabing usapin, kasama dito ang Task Force Anti APECO
(TFAA), Pinag Isang Lakas ng mga Samahan sa Casiguran (PIGLAS-CA), at ang kinatawan
ng proyektong Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority (APECO).
Ito umano ang
hakbang para matugunan ang kahilingan ng mga magsasaka sa San Ildefonso Peninsula
sa kanilang lupaing binubunkal na ngayon ay nasa loob ng proyektong APECO sa
Casiguran.
Comments
Post a Comment