MCC BALER SUMAILALIN SA FIRE DRILL

NEWS FOF JUNE 5, 2013 – Nagsagawa ng Lecture at Fire Drill ang mga guro at kawani ng Mount Carmel College Baler nitong Lunes.

Ang akitibidad ay pinangasiwaan ng mga kagawad ng Bureau of Fire Protection Baler, Aurora na pinamunuan ni SR. Fire Officer 3 Manolo Manondo, gayundin si Ronald Ty, Nurse Rescuer ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer (PDRRMO).

Bago ang pagsasanay sa Fire Exit Drill, nagsagawa muna ng lecture ang BFP sa pamamagitan ni Fire Officer 3 Dexter Reyes patungkol sa Fire Prevention Safety, Rescue at Basic Life Support.

Bahagi ng aktibidad ang aktwal na pagsasanay sa fire exit drill, at kung ano ang dapat gawin sa nagtamo ng pinsala dahil sa sakuna.

Ayon kay Fr. Andres Lumasac, Executive Vice President ng Mount Carmel College Baler at CASPI OIC Superintendent, taon-taon ay ginagawa ang naturang pagsasanay sa MCC sa layuning maturuan ang mga guro at kawani ng paaralan kung ano ang dapat gawin kapag dumating ang mga kalamidad tulad ng lindol at sunog upang aniya’y maiwasan ang kapahamakan lalo na sa mga mag-aaral. (Rey Fernando)

Comments