NAG-AMOK AT NAGPAPUTOK NG BARIL PORMAL NANG SINAMPAHAN NG KASO - Baler, Aurora

Pormal nang sinampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms si Atty. Reuben A. Tadena II, 36 na taong gulang, residente ng Gomez Street, Poblacion, Makati City at kasong Illegal Discharge of Firearms and Alarming Scandal naman kay Mark T. Espenosa, 23 taong gulang, residente ng Barangay Suklayin Baler, Aurora.

Matatandaang inaresto ang dalawa matapos na mag-amok si Tadena, at nagpaputok naman ng baril si Espenosa nitong Hunyo 23, 2013 Sitio Labasin, Barangay Sabang, Baler Aurora.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng Baler PNP, dakong ika-1:30 ng umaga nagtalo umano sina Tadena at kinilalang Biboy,  pinigilan naman umano ni Mark T. Esponosa, Surf Instructor ng Aliya Camp Surf ang dalawa.

Makaraan ito ay umalis si Tandena, ngunit ilang sandali lang ay muli itong bumalik sukbit ang baril caliber 45 at hinahanap nito si Biboy.

Nang mapansin ito ni Mark Espinosa na may dalang baril ang Abugado ay muli niya itong pinigilan at inagawan ng baril pagkatapos ay pinaputok sa taas ng dalawang beses.

Inaresto ang mga suspects na agad dinala sa Aurora Provincial Crime Laboratory para I-examin.

Subalit kahapon ay pinakawalan din ang mga ito sa utos ni atty. Hydierabad casar oic ng provincial prosecutor dahil sa kawalan ng resulta kung sino ang nagmamay ari sa naturang baril.(Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments