Nagsagawa
noong Martes ng orientation at kapanya ang ilang personel ng Community Defense
Center, Army Reserve Command o
CDC-ARESCOM na nakabase sa lalawigan ng Aurora para sa mga mag-aaral ng Aurora
State College of Technology (ASCOT) na kumuha ang mga ito ng NSTP at ROTC Course.
Lalo na ang mga freshmen.
Pinangunahan
ni PFC. Melvin Bacug, kasama sina PFC. Roger Sua, PFC Aloren Santiago at SGT.
Elena Boutista ang naturang gawain.
Dinaluhan
naman ito ng humigit kumulang na 200 mag-aaral na babae at lalake na
pinatnubayan ni Prof. Lolit H. Dela Cruz, NSTP Director ng ASCOT.
Ipinanawagan
ni PFC. Bacug sa mga istudiyante ang kahalagahan at pakinabang para sa mga
mag-aaral kapag sila ay kumuha ng ROTC.
Maaari aniya
na makapag avail ang mga ito sa mga benepisyo na ipinagkakaloob ng Philippine
Army, gaya ng scholarship grants at cash incentives mula 10 libo hanggang 15
libong piso bawat semester kung sila ay maku qualified sa Philippine Army
Advance ROTC Cadets Qualifying examination.
Ipinaliwanag
din ni Bacug na ang lahat na magtatapos sa ROTC ay awtomatikong maisasama sa
Reserve Component ng Armed Forces of the Phil. (AFP) mapagkakalooban ng Rango
at Serial Number, mapapabilang na mebro ng 1st Aurora Ready Reserve
Battalion at mabibigyan ng opurtunidad na sa dalawang taong Call to Active Duty
o CAD na ang sweldo ay katumbas ng regular na sundalo depende sa kanyang Rango.
Ipinaliwanag
din ni Bacug sa mga istudiyante ng ASCOT na objectiba ng ROTC na maihanda ang
mga istudiyante sa koleheyo para sa posibleng paglilingkod sa Depensa ng Bansa
sa panahon ng pangangailangan, masanay at mahubog ang mga kabataan na maging
potensiyal na lider sa kumunidad , gayundin maitatak sa damdamin ng mga
kabataan ang espiritu ng pagiging makabayan at makabansa.
Inaanyayahan
din ng pamunuan ng 307 CDC-ARESCOM Aurora ang lahat ng nagnanais mapabilang na
membro ng ARESCOM sa lalawigan ng Aurora
na mangyaring magpatala sa kanilang himpilan na matatagpuan sa ATC Comp.
Barangay Calabuanan, Baler, Aurora para sa pagbubukas ng Special Basic Citizen
Military Training o SBCMT class 01-2013 na sisimulan sa ika-6 ng Hulyo 2013.
(Rey S. Fernando)
Comments
Post a Comment