Tiniyak ni
SPO4 Lombriano Macatiag ng PNP San Luis, ang pagpapatupad ng Republic Act No.
10586 o Anti-drunk and Drug Driving Act of 2013 na nagbibigay parusa sa mga
nakainom na nagmamaneho.
Ito umano
ang kadalasang dahilan ng mga vehicular Accident sa naturang Bayan.
Sa talaan ng
kanilang tanggapan, umabot na sa 25 kaso ng aksidente sa kalsada ang naitala mula
noong buwan ng Enero hanggan buwang kasalukuyan ng Hunyo 2013. Nakapagtala ng 5
kaso ng Vehicular accident noong Enero, 5 noong Marso at 4 ngayong kasalukuyang
buwan na ikinasawi ng 3 lalaki sa tindi ng pagkakaaksidente.
Comments
Post a Comment