Nananatiling
walang ngipin ang Batas ng Zero Waste Management sa Pamilihang Bayang ng Maria Aurora, Aurora.
Napag-alamang
talamak parin ang mga basurang nakakalat sa paligid at loob ng pamilihang bayan
tuwing umaga dahil sa hindi maayos na pagsisinop sa basura ng mga manininda at
mamimili.
Dahil sa
kawalang disiplina sa basuro ng mga mamimili at manininda ang palenke ay nagmimistulang
basurahan.
Dahil umano
ito sa hindi pagsunod ng mamamayan sa tamang pagtatapon at paghihiwalay ng mga
basura, maging ang mga basorero ay hindi rin umano maayos ang kanilang pagkuha
ng mga basura.
Kaunay nito
nananawagan ang mga concern citizen na sundin ang batas ng Zero Waste Management
, dahil kung hindi umano ito maipapatupad ng maayos ito ay magbubunga ng
suliranin ngayong nalalapit na panahon ng tag-ulan. (Remi R. Bitong/Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment