Nagsagawa ng
Piket Dialogue sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources
sa Barangay Pingint at sa tanggapan ng Department of Agrarian Reform sa
Barangay Suklayin Baler, Aurora ang mahigit 60 magsasaka sa Aurora, sa
pangunguna ng Panlalawaging Alyansa ng Magbubukid ng Aurora, Inc. (PAMANA)
kahapon.
Ayon sa grupo, ang programang CARP ay walang umanong silbi sa mga magsasakang apektado ng Republic Act 10083 o Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Act (APECO) sa bayan ng Casiguran, Aurora.
Ayon pa sa grupo, napakalaking bahagi ng mga lupain na dapat ito ay mapupunta at maibabahagi sa mga magsasaka ngunit ito’y binabawal sa uri ng panggigipit at kakasuhan ang mga magsasaka para palayasin sa kanilang lupang pinaghirapan, ito umano ay ibinebenta sa mga korporasyon at pribado, pinagtatayuan ng mga proyektong di pinakikinabangan ng mga magsasaka at mamayan.
Sa huli, hinihiling ng mga ito na ipamahagi ng librea sa kanila ang lupaing kanilang pinagpaguran, kilalanin ang karapatan sa lupa at paninirahan, ibasura ang RA 10081 o batas APECO, ipaglaban ang ang lupa at kabuhayan, labanan ang legalized land grabbing sa Aurora, at ipaglaban ang karapatan sa lupa ng mga katutubo. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment