PORMAL NANG INILUNSAD ANG AURORA BAMBOO CENTER SHARED SERVICE FACILITY

Formal nang inilunsad ang Aurora Bamboo Center Shared Service Facility sa Barangay Nonong, San Luis, Aurora kamakailan.

Ang proyekto ay bahagi ng Share Service Facility (SSF) na programa ng Department of Trade and Industry sa pakikipagtulungan sa Rural Empowerment Assistance and Development (READ) Foundation Inc. ni Sen. Edgardo J. Angara. Bukod kay Sen. Angara at Governor Bellaflor J. Angara-Castillo, naging panauhing pandangal si Secretary Gregory L. Domingo kasama si Under Sec. for Regional Operation and Development Group (RODG) Merly M. Cruz ng DTI. 

Kasama sa mga nagsidalo ang Regional at mga Provincial Director ng DTI, mga Directors at officials ng DOST, DepED, DOLE, DENR, Product Development and Design Center of the Philippines at College Industry Technology Center (CITC).

 Dumalo rin ang League of Mayor sa pangunguna ni Mayor Arthur J. Angara ng Baler, gayundin, nagsidalo ang mga representante mula sa pribadong sektor tulad ng Chamber of Furniture Industries of the Philippines, PHILEXPORT, Air21 at delegasyon mula sa Taiwan.

Ang SFF ay isang production Center kung saan ang mga micro, small and medium enterprises(SMEs) ay magkakaroon ng pagkakataon na makinabang sa mas bagong production technology at magandang makinarya upang tumaas ang productivity, gumanda ang produkto at maging competitive sa global market.

Kasunod nito ay ang inaasahang paglago ng mga SMEs, paglaki ng kanilang mga kita at pagiging ganap na exporters. Kaugnay sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng SSF program ng DTI dito sa Aurora, nakatakdang itayo ang dalawa pang proyekto na may kinalaman sa banana processing at coco coir processing. (Arnel M. Turzar)

Comments