Hinatid sa
huling hantungan kahapon ng umaga ang batang mag-aaral ng Calabuanan Elementary
School na natagpuanag patay di kalayuan sa kanilang tahanan sa Sitio Libis,
Barangay Calabuanan, Baler, Aurora noong Sabado, Hunyo 15, 2013.
Ang biktima
na grade 3 pupil ng nabanggit na paaralan ay si Mega Abalos, 10 taong gulang,
residente sa nabanggit na lugar.
Ayon kay
madam Lea Pador, guro ng biktima, huling pumasok sa kanyang klase ang bata
noong Huwebes ng umaga (June 13, 2013) ngunit ng dakong hapon ng araw na iyon
ay hindi na ito pumasok ng paaralan.
Nagulat na
lamang umano ito ng mabalitaan niyang natagpuan ang bata na patay na.
Nagsadya rin
umano ito sa lugar ng kinatagpuan sa bangkay ng biktima at nakita nito na suot
pa ang unipormi, gayundin suot pa ng bata ang kabiyak ng tsenelas nito,
samantalang nasa di kalayuan naman umano kanyang bag.
Ayon pa kay
Pador, natagpuan ang bata na nakabaon ng mababaw sa isang hukay at pagkatapos
ay tinabunan ng mga dahon.
Base naman
sa inisyal na pagsusuri ng SOCO nakitaan umano ng tama ng isang matigas na
bagay ang ulo ng bata na maaaring ito umano ang dahilan ng kamatayan nito.
Hinihinala
naman na ang sariling Ama ng biktima ang suspek sa naganap na krimen na
kinilalang si Danilo Abalos y Crisanto, at ito ngayon ay nakakulong na sa
Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin. Ito ay nahaharap sa kasong
paglabag sa R.A 7610. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment