SHARED SERVICE FACILITY NG DTI MAGBIBIGAY NG TRABAHO SA AURORA

Inaasahan na ang Shared Service Facility (SSF) ay magbubunsod ng oportunidad para sa 22 direct jobs at 300 na indirect jobs sa lalawigan ng Aurora.

Matutulugan nito ang mga Small and Medium Enterprises lalo na ang furniture makers ng Aurora na handang gumamit ng kawayan bilang raw matirials.

Ang SFF ay isang production Center kung saan ang mga micro, small and medium enterprises(MSMEs) ay magkakaroon ng pagkakataon na makinabang sa mas bagong production technology at magandang makinarya upang tumaas ang productivity, gumanda ang produkto at maging competitive sa global market.

Kasunod nito ay ang inaasahang paglago ng mga SMEs, paglaki ng kanilang mga kita at pagiging ganap na exporters. Kaugnay sa tulo-tuloy na pagpapatupad ng SSF program ng DTI dito sa Aurora, nakatakdang itayo ang dalawa pang proyekto na may kinalaman sa banana processing at coco coir processing. (Arnel M. Turzar)

Comments