SHARED SERVICE FACILITY, PUSPUSANG IPINATUTUPAD NG DTI SA AURORA

Puspusan ang pagpapatupad ng Department of Trade and Industry Aurora, ang Shared Services Facility (SSF) Program sa pakikipagtulugan sa Rural Empowerment Assistance and Development (READ) Foundation Inc. 

Kamakailan ay pormal na inilunsad ang Aurora Bamboo Center Shared Services Facility sa Barangay Nonong, San Luis, Aurora ang proyekto na nagkakahalaga ng anim na milyong piso.
Ang Aurora Bamboo Center (ABC) ay kaunaunahang proyekto sa lalawigan ng Aurora at ika-limang SSF sa buong Pilipinas na inilunsad. May nakatakdang 700 SSF ang itatayo sa buong Bansa ngayong 2013.

Ang ABC ay proyektong magpoproseso ng kawayan para maging engineered baboo, o magiging katulad ng kahoy ang mga katangian matapos maproseso ang bamboo slats.

Ang engineered bamboo ay maaring gamitin sa paggawa ng mwebles at mga produktong tulad ng ginagamitan ng kahoy. Kabilang sa mga facilities sa ABC ang kiln dryer, band saw, mga makinarya para sa wood lamination at marami pang iba.

Katuwang ng DTI ang College Industry Technology Center (CITC) sa pagtatayo ng Aurora Bamboo Center na pag-aari ng Aurora Buffalo Multi-Purpose Cooperative at pinamumunuan ni Ariel de Jesus. Ang CITC ang syang nagbibigay ng mahahalagang technical assistance lalo na sa pagpili ng makinaryang kakailanganin sa pagpoproseso ng kawayan at sa pagsasanay o pagbibigay ng skills training para sa mga tauhan ng ABC. (Arnel M. Turzar)

Comments