Penipetisyon
ang mga Vendors na nakapuwesto sa sakop ng mga pampublikong lansangan partikular
sa lalawigan ng Aurora.
Nagbaba
ng Memorandum ang Department of Interior
and Local Government o DILG noon taong 2010 sa buong Rehiyon 3, na nagbabawal magtinda
sa mga pampublikong lansangan subalit hanggan ngayon marami parin ang lumalabag
dito na tila hindi pinatutupad ang kautusan.
Nilabas
ang kautusan sa kadahilanang isa sa pinagmumulan ng aksidente, pagkaantala ng
mga motorista at pagsisikip ng lansangan ang paglipana ng mga vendors sa gilid
ng lansangan.
Sa
pakikipanayam ng CMN News sa mga manininda, wala umano silang ibang hanap buhay at karamihan
umano sa kanilang itinitinda ay sariling ani, kaya’t ang ilan sa kanila ay
nakikiusap na limitahan ang kautusan bilang tulong sa kanila, sapagkat sila ay mahihirap
lamang.
Umalma
naman ang ilang manininda na lehitimong nagbabayad ng permit at buwis, dahil sa
mga naglipanang vendors nababawasan umano ang kanilang suki at kita, kaya’t
dapat umano ipagbawal na ang mga illegal
vendors.
Kung
hindi maipapatigil ang mga illegal vendors ay wala umanong silbi ang kanilang
pagbabayad ng buwis at pagkuha ng lisensya.
Comments
Post a Comment