TASK FORCE HHBM PATULOY NA KUMIKILOS - Maria Aurora, Aurora

Patuloy na kumikilos ang Task Force Huwag Hatiin ang Bayan ng Maria Aurora laban sa pagbubuo ng isang Bayan at paghahati sa kabundukan ng Bayan ng Maria Aurora.

Isang pagpupulong ang ginanap ng Taskforce: Huwag Hatiin ang Bayan ng Maria Aurora noong  ika-1 ng hunyo 2013 sa bulwagan ng Parokya ni San Vicente Ferrer sa Barangay 04, Maria Aurora, Aurora kasama ang ilang mga kasapi  mula sa iba’t-ibang  samahan ng Bayan ng Maria Aurora at kalapit Bayan nito.

Ayon kay Bb. Katriz Mae Palispis, Convenor ng Taskforce Huwag Hatiin ang Bayan ng Maria Aurora, anak ng napaslang na lider organisador at kawani ng COMELEC, ang nabanggit na pagpupulong ay ginanap upang maipagpatuloy at higit pang mapag-ibayo ang mga pagkilos laban sa pagtutol upang mapigilan ang pakakaroon o pag buo ng panibagong bayan sa kabundukan ng Maria Aurora.

Ilan pa sa mga pagkilos nito ay ang patuloy na pagbibigay impormasyon sa mga apektadong Barangay na bumubuo ng panibagong Bayan sa pamamgitan ng publikong talakayan upang mapa-angat ang antas ng kamalayan hinggil sa usapin. 

Patuloy din ang pananaliksik at pakikibalita ng Taskforce HHBMA sa ibat ibang sangay ng pamahalaan tulad ng sa Senado at Kamara sa Estado ng mga naturang naka-hain na Panukalang Batas sa Usaping Bagong Bayan.

Kaugnay din dito, dagdag pa ni Bb. Palispis, magkakaroon ng pagkilos “lakad para sa katarungan” sa darating na ika-30 ng Hunyo, 2013 bilang paggunita sa unang taong pamamaslang kay Romualdo “Ka Waldo” Palispis. (Arnel M. Turzar/Dickson Almeda)

Comments