TREE PLANTING ISINAGAWA SA DIPACULAO AT MARIA AURORA, AURORA

Nagsagawa ng Syncronize-Simulteneous Tree Planting ang mahigit 200 mula sa Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman bilang bahagi sa pagdiriwang ng ika-115 Independence Day sa Lalawigan ng Aurora at sa buong Bansa nitong Miyerkules (June 12, 2013).

Ayon kay Forester Lady Mary Grace Padua ng CENRO, ang pamunuan ng CENRO-Baler sa pangunguna ni CENRO Raul Batang, sa pakipagtulungan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pangunguna ni Eng. Rick Gutierrez nagkaroon ng tree planting program, isa dito ang upland tree plantation sa Brgy Dianawan sa Bayan ng Maria Aurora at ang pagtatanim sa mga Mangrove sa Barangay Lobbot, Dipaculao, Aurora. 

Ang naturang programa ay bahagi din sa pagdiriwang ng World Environment Month, nilahukan ito ng  iba’t-ibang sector tulad ng DPWH na siyan sponsor ng naturang tree planting program, kalahuk din dito ang LGU Dipaculao at Maria Aurora, kasama din ang Girls Scout of the Philippines-Aurora Chapter, mga mag-aaral, 48 Infantry Battalion ng  Phil. Army at ang tanggapan ng National Commission on Indigenous People-Aurora. (Arnel M. Turzar)

Comments