TULAK NG SHABU, KINASUHAN NA - Baler, Aurora

Sinampahan na, ng pormal na kaso ang 3 suspek sa pagtutulak ng shabu sa lalawigan ng Aurora partikular sa Bayan ng Baler.

Paglabag sa Comprehension of Illegal Drugs o Violation of R.A 9165 ang inihaing kaso laban sa mga suspek.

Matatandaang inaresto ang 3 tulak ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy bust operation noong Hunyo 10, 2013 sa Sitio Kinalapan, Barangay Pingit, Baler, Aurora.

Kinilala ang mga ito na sina Cory G. Guimba, 35 taong gulang, Omera G. Guimba, 29 na taong gulang, at ang isang 16 na taong gulan, kapwa mga residente ng Barangay Pingit, Baler, Aurora.

Dakong alas-singko ng hapon nagsagawa ng joint Buy Bust Operation ang Baler PNP sa pangunguna ni PI Maynard D. Pascual at Aurora PPO sa pangunguna ni PO3 Harold Donato at sa pakikipag-unayan sa PDEA RO3 para tugisin ang tatlo.

Agad namang nadakip ang mga ito at narekober sa kanila ang isang pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na tumitimbang ng humigit kumulang .03 gramo, anim na pirasong open plastic transparent sachets, at bill marked money na gamit sa buy bust operation.

Narekober din ang perang nagkakahalaga ng mahigit Php26,000.00 at isang kulay pulang tricycle Motorstar na may plakang 6506 IV na hindi pa matukoy kung sino ang nagmamay-ari nito, ito umano ang ginagamit sa ilegal na transaksyon sa kanilang mga kleyente. (George Balbero/Arnel M. Turzar)

Comments