TULAK NG SHABU NADAKIP SA BAYAN NG BALER, AURORA

Arestado ang isang lalaki na pinaghihinalaang tulak ng shabu, sa ginawang anti-ellegal drug operation sa Sitio Matoyo, Purok 01, Phase 01, Barangay Buhangin, Baler, Aurora.

Kinilala ang suspek na si Richard Bernardino y Cruz, alias Tumbong, 33 taong gulang.

Ayon kay Aurora Provincial Police Director Sr. Supt. Elmer Cruz Bantog, dakong alas-5:30 ng hapon noong Martes (HUnyo 25)nang nasakuti si Bernardino sa isinagawang buy-bust operation ng Provincial Anti-illegal Drug Special Operation  Task Group (PAIDSOTG) at ng Baler PNP sa pangunguna ni P/INS. Roman C. Punzalan.

Narekober sa kay Bernardino’s ang pitong (7) sachets na pinaghihinalaang shabu, na may humigit kumulang 0.11 grams, na nagkakahalaga ng P2,900.00, at ang mark money na ginamit sa buy-bust operation.

Nasa pangangalaga ng PNP Crime Laboratory ang mga narekober na shabu para alamin kung anung uri ito ng pinagbabawal sa gamot.

Ang suspek ay nakakulong na sa Panlalawigang Piitan ng Aurora sa Barangay Suklayin, at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 ng Article 11 ng Republic Act 9165. (Arnel M. Turzar)

Comments