Tiniyak ni Virgilia P. Gomez, Head Officer ng PESCAYDO
o Provincial Employment Sports Culture
Arts for Youth Development Office na ang PESCAYDO Aurora ay accredited na sa
United Nation Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO).
Ang PESCAYDO ay isang departamento na
ang madato nito ay para malinang ang mga kabataang para sila ay maging
productive citizen ng lipunan
Ang PESCAYDO ay mayroong mga programa
para sa mga Out of School Youth (OSY) katulad ng sa Kultura at Arte mayroon
itong programang Sayaw, Theater Arts, Seminar Workshop, Leadership Training, at
Values Education.
Kasabay nito iniimbitahan ng PESCAYDO
ang lahat ng kabataan lalo na ang OSY na magpunta sa kanilang tanggapan at
magsabmit ng Personal Data Sheet (PDS),
hinihikayat din nito na ilagay sa PDS ang kanilang skills para malaman at makontak
sakaling magkaroon ng aktibidad katulad
ng Dance and Music worshop at iba pa.
Ang naturang tanggapan ay tunutulong
din sa paghahanap ng trabaho na angkop sa mga kursong natapos ng aplikante.
Mayroon ding itong livelihood
program para sa mga kabataan sa
pakikipag partnership sa DOL at dumadaan
ito sa Provincial Government of Aurora, kung mayroon namang association maaari
itong maaccess sa DOL sa pamamagitan ng tanggapan ng PESCAYDO.
Hinihikayat din ng PESCAYDO ang lahat ng
kabataan na dumalo sa kanilang paanyaya para mag-undergo ng Values Education
dahil ito aniya ay mahalaga, dito nakapaloob ang discipline, Handling money at
business entrepreneurship at iba pang program na may kaugnayan sa pagnenegosyo.
(Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment