WALNG LISENSIYANG NAGMAMANEHO, HUHULIHIN NG HIGH WAY PATROL - Dipaculao, Aurora

Manghuhuli na muli ang mga High Way Patrol katuwang ang mga Kapulisan ng Aurora matapos ang mga sunod-sunod na aksidente sa lansangan, dulot ng kapusukan ng mga kabataan sa pagmamaneho, maliban sa mga menor de edad ang mga ito wala parin umanong mga lisensya.

Madalas din sangkot ang mga kabataan sa walang pakundangang pakikipagkarera o drug racing.

Ayon sa High Way Patrol Region III ng Aurora magsasagawa sila ng Information Drive, layunin nito na magbigay impormasyon sa mga mag-aaral lalo na sa mga High School, wala pa umanong karapatang ang mga ito na humawak ng ano mang uri ng sasakyang dimotor, layunin din ng info. Drive na mabawasan ang lumolobong aksidente sa lansangan.

Responsibilidad umano ng High Way Patrol at Force Multiplier  ang pagsasawata sa mga ganitong insidente.

Ang ganitong programa ay sinimulan na sa ilang paaralan sa Bayan ng Dipaculao at magpapatuloy ito sa lahat ng paaralan sa Aurora. (Eddie Rebueno)

Comments