PRESYO NG BIGAS, TUMAAS - Baler, Aurora

Tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa Pampublikong pamilihan sa Bayan ng Baler, katulad ng Bigas na dati ay nagkakahalaga ng P28 hanggang 35 pesos, ngayon ang pinakamamabang presyo ay P32 hanggang 40 pesos ang kada kilo.

Ayon kay Gng. Cecilia Gutierrez, pangulo ng Market Vendors ng Dry Section, wala pa umanong dumarating na angkat ng bigas mula sa ibang bansa na mas mura kaysa sa bigas ng Pilipinas. Ito umano ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng pambansang butil.

Ang mga bigas na binebenta sa palenke ay nanggagaling pa umano sa Bulacan
Maliban sa bigas, tumaas narin ang presyong  ibang pang produkto katulad ng Mantika na tumaas ang presyo ng piso kada isang bote, ganun din ang asukal.

Inaasahan na tatas pa umano ang presyo ng katulad na produkto sa mga susunod na araw kung wala paring darating na angkat. (Arnel M. Turzar)

Comments