Bumaba ng
P0.50 sentimos ang presyo ng gasolina, krudo at Kerosene sa ilang istasyon ng
produktong petrolyo sa Bayan ng Baler, Aurora partikular ang kumpanyang Shell.
Ang
pagkaltas sa presyo ay bunsod umano ng pagbaba ng halaga sa mga higanteng
kumpanya sa pambansang pamilihan ng produktong petrolyo.
Sa
kasalukuyan naglalaro sa halagang P50.20 hanggang P50.97 ang kada litro ng
Krudo, habang ang presyo ng Regular na gasolina ay nasa P54.18 hanggang P55.55
sa kada litro.
Naglalaro
naman sa P55.35 hanggang P57.05 ang presyo ng Unleaded at Premium na gasolina,
habang ang presyo naman gaas ay nasa P51.63 hanggang P52.88 ang kada litro.
Wala
panamang anunsyo ang ibang kumpanyang lokal kung kalian sila magbabago ng
presyo. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment