Accreditation para Local Development Council ng Maria Aurora, puwede na magpatala

Tumatanggap na ng aplikante ang Sangguniang Bayan ng Maria Aurora, Aurora sa lahat ng Non-Governmental Organization, People Organization at iba pang organisadong grupo na nais magpa-accredit para mapasama sa partisipasyon ng Local Development Council, Lokal Health Board, Local School Board, at Lokal Peace and Order Council sa ilalim ng DILG Memorandum  2010-73.

Ang mga samahang nais mapasama sa mga nabanggit na posisyon ay maaring mag-sumite ng aplikasyon sa tanggapan ng Sangguniang Bayan ng Maria Aurora hanggan sa Agusto 16, 2013 ang huling araw na itinakda para pagsusumite ng aplikasyon.

Para sa iba pang mga katanungan maaring magtungo sa nasabing tanggapan. (Arnel M. Turzar/Guiller Necesito)

Comments