Arestado ang isang lalaki sa
Barangay Florida, Maria Aurora, Aurora kahapon (August) ng tanghali sa kaso
nitong paglabag sa PD 705 as Amended and Penalized under article 308, Revised
Penal Code.
Ang suspek ay kinilalang si
Ped Mulato y Baggao, 44 na taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente
ng barangay Florida ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat ng Maria Aurora
PNP, dakong alas-12:20 ng hapon sa isinagawang manhunt Charlie ng kanilang
himpilan sa pangunguna ni P/SINS Victor Vasil B. Morales at bisa ng warrant of
arrest na may criminal case no. 3654 na inisyu ni Honorable Judge Trese D.
Wenceslao ng Municipal Circuit Trial Court ng Maria Aurora-Dipaculao na may
petsang November 10, 2011, naaresto ang suspek.
Comments
Post a Comment