Isang lalaki hindi na nakapalag pa, ng ito ay arestohin sa bayan ng Casiguran

Hindi na nakapalag ang isang lalaki ng ito ay arestohin ng mga otoridad sa bayan ng Casiguran, Aurora dahil kaso nitong pananakot at pagbabanta.

Ayon kay Police Officer Adarayan, OIC ng Casiguran PNP, dakong alas-6:00 ng umaga kahapon sa isinagawang Manhunt Charlie operation sa pangunguna ni PO3 Marianito Vargas  at sa bisa ng warrant of arrest na may criminal case no. 2060 na inilabas ni Honorable Judge Jo Anne Dela Cruz Malaton ng Municipal Circuit Trial Court Casiguran, matagumpay na naaresto ang suspek na kinilalang si Maximo Putol y Roxas, 66 na taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Barangay Esteves, Casiguran, Aurora.

Si Putol ay nahaharap sa kasong Grave Threat, at kasalukuyan itong nakakulong sa piitan ng PNP Casiguran. Ang kanyang kaso ay may kaukulang piyansa na aabot sa labing dalawang libong piso. (Arnel M. Turzar/George Balbero)

Comments