Mahigit 20 bahay sa tabi ng dagat sa
Zone 1, sa bayan ng Dinalungan, Aurora ang winasak ng hagupit ni bagyong labuyo
nitong lunes.
Maging ang Tanggapan ng Pamahalaang
Lokal ng Dinalungan at ang bagong istasyon ng pulisya sa nasabing lugar ay
hindi rin nakaligtas sa bagsik ni labuyo, nasira at nilipad ang ilang bagi ng
bubong ng nasabing tanggapan at naputol ang haligi ng Covered court.
Nagkaroon din ng sira ang ilang
bahagi ng mga paaralan sa nasabing bayan, ang ilang ay nabasag ang bintana,
pinto at bubong. Nabaklas din ang bubong ng isang chapel ng Miracle sa Zone 1, nasira din ang bubon ng Biomass sa Dibaraybay.
Comments
Post a Comment