Ito’y dahil sa malakas na hangin bunga ng masamang lagay ng panahon na dulot ng bagyong Odette na siyang nararanasan umano noong nakaraang mga araw sa iba’t-ibang bahagi ng Aurora maging sa karagatan.
Ayon kay Rosemarie Ramillo na may-ari ng lumubog na bangka, malakas na hangin at malalaking alon ang nagpataob sa sasakyang dagat na ikinasawi ng dalawang katao na kinabibilangan nina Alejandro Balos y Guillermo, 50 taong gulang at April Kim Manuel y Centeno, 20 taong gulang.
Ang dalawa namang nawawala at patuloy na hinahanap ng mga rescue teams ay kinilalang sina Elenita Abalos 52 taong gulang at Suzette Abalos, 28 taong gulang kapwa residente ng Cabanatuan City.
Isang ipo-ipo umano ang humagupit na naging dahilan ng pagtaob ng bangka. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment