30 hanggang 40 sako ng uling, sinasakay sa Dingalan Bus Liner araw-araw

Patuloy parin ang pagbibiyahe ng mga uling mula sa bayan ng Dingalan, Aurora na idinadala sa Cabanatuan city, Nueva Ecija. Ito ang napag-alaman ng CMN News sa nasabing bayan.

Ayon sa nakalap na impormasyon ni Field Reporter #25, hindi bababa sa 30 hanggang 40 sako ng uling ang isinasakay sa Dingalan Bus Liner para dalahin sa Cabanatuan city araw-araw.

Ikinakarga umano ito sa ilalim ng chassis ng naturang bus at sa likirang bahagi at pinapatungan ng mga produktong saging kaya hindi napapansin ng mga otoridad sa checkpoint.

Nanggagaling umano ang mga uling sa mga residente ng barangay Umiray at iba pang mga kalapit na barangay dito.

Anila, bagamat hindi umano ipinagbabawal ang pag-uuling ng mga kahoy na umaanod sa ilog. Bawal naman umano itong idala at ibenta sa labas ng Bayan sapagkat hindi nag-isyu ng permit ang Department of Environment and Natural Resources Dingalan para ibiyahe ang naturang uling. (Arnel M. Turzar)

Comments