AKAP at grupo ni Dr. Danay , magsasagawa ng Medical Mission sa Barangay Esteves

Nakatakdang magsagawa ngayong (Sept.6) ng Medical Mission sa mga naapektohan ng bagyong labuyo sa Barangay Esteves, Casiguran, Aurora ang samahan ng Alternatibong Kalusugan sa Pamayanan (AKAP) kasama ang grupo ni Dr. Merill Danay ng Casiguran District Hospital, katuwang din ang samahan ng JPAG, Bataris at PAMANA.

Magsasagawa ang mga ito ng libreng check-up at mamimigay ng mga Halamang gamot katulad ng Lagundi na pangunahing gamot sa Ubo, sipon at lagnat, ganoon din ng Sambong na lunas sa High blood at Urinary Tract Infection (UTI) at marami pang ibang iba.

Maliban sa halamang gamot, mayroon din silang ipamimigay na Western Medicine katulad ng Antibiotic at Amoxicillin at iba pang mga gamot.

Aabot sa mahigit 200 hanggang 700 katao ang inaasahan o target na mapagkakalooban ng libreng serbisyo ng nasabing mga samahan. (Arnel M. Turzar)

Comments