Masayang nakatanggap ng
libreng mga gamot at Medical Check-up ang may 275 katao sa Barangay Esteves,
Casiguran Aurora na labis na naapektohan ng typhoon labuyo noong nakaraang
buwan.
Ginawa ang inisyatiba ng
Alternatibong Kalusugan sa Pamayanan (AKAP) noong kakaraang araw ng Biyernes
(Sept.6), katuwang ang grupo ni Dr. Merill Danay ng Casiguran District Hospital
at ang mga Community Health Worker (CHW) sa lugar, ganoon din ang samahan ng
JPAG, Bataris at PAMANA na siyang naghanda sa pagsasakatuparan ng nasabing
mission.
Lobos naman ang pasasalamat
ng mga nakatanggap ng libreng gamot, bakas sa kanila ang tuwa dahil sa ganitong
inisyatibang ng mga samahang nais maglingkod sa taong bayan lalo na sa mga
nakasanas ng matinding kalamidad.
Comments
Post a Comment