Boundary Dispute sa Nueva Viscaya at Isabela, nais makamit ng Aurora

Pinagsusumikapan ng mga miyembro ng Sanggunian Panlalawigan ng Aurora na maibalik sa lalawigan ang malaking bahagi ng lupaing na nasakop umano ng mga Bayan ng Dinapigue sa lalawigan ng Isabela at CastaƱeda sa lalawigan naman ng Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng CMN News kay Bokal Pedro Bobong Ong, aniya, malaki ang pagkakataon na mabawi ang bahagi ng lupa na sakop ng Aurora na sakop narin ng Dinapigue at CastaƱeda, dahil sa mapa ng Cadastre Region III, ang naturang bahagi ng mga teretoryo ay sakop ng Aurora kahit noon pang ang Aurora ay bahagi ng Tayabas Quezon.

Sinabi pa ni Ong na ang layunin ng paghahabol ng Pamahalaang Lalawigan ng Aurora sa mga naturang Boundary Dispute ay upang maibalik ang lupaing sadyang pag-aari ng Lalawigan.

Nais namang samantalahin ng Sangguniang Panlalawigan ang pagkakataon na makabahagi ng programa ng DENR hinggil sa ground surveying, upang lalong mabigyang unawa ang naturang boundary dispute. (Rey S. Fernando/Arnel M. Turzar)

Comments