Free issuance ng civil registry documents, isasagawa sa Aurora Provincial Police Office ngayong araw

Magsasagawa ngayong araw (Sept.16) ng Information Dissemination kaugnay sa Civil Registration System partikular sa Republic Act 9048/RA 10172 (Clerical Error Law), RA 9858 (Legitimation Law on Underage Mother) and RA 9255 (Affidavit to Use the Surname of the Father Law) at free issuance ng civil registry documents katulad ng birth certificates, marriage certificates at death certificates.

Ito ay isasagawa sa Aurora Provincial Police Office, sa Camp Ravina, Brgy. Sabang, Baler, Aurora, ganap na ika-9:00 ng umaga, bilang bahagi ng ika-113 Philippine Civil Service Anniversary, na may temang: "Tatak Lingkod Bayani, Isabuhay, Ipaagmalaki at Ipagbunyi" (Arnel M. Turzar)

Comments