Bagama’t anila masasabi na sa lalawigan ng Aurora ay maaaring di na ganoon kalala ang mga paglabag kumpara noong panahon ng martial law subalit patuloy pa din ang hibo nito. Ang pagdukot at pagpatay kina Rowena Bayani, Esteban Pastor, ang pagsunog sa Bataris noong 2005, at pagdukot kay Joey Estriber noong 2006 na biktima ng pananalasa ng berdugong si General Jovito Palparan na pawang naganap sa Administrasyong Arroyo.
ito anila ang mga kasong hindi pa din nabibigyan ng hustisya hanggang sa kasalukuyan.
Sa ngayon, anila, ang administrasyon ni P’Noy sa ilalim ng slogan “Tuwid na daan” sariwa pa rin sa ala-ala ang naganap na pa traydor na pagpaslang kay Waldo Palispis dahil sa kanyang adbokasiya laban sa pagbubuo ng Angara municipality. Pinaslang din si Willem Geertman dahil naman sa kanyang pagtataguyod ng kapakanan ng mga maralitang sektor.
Ayon pa sa grupo, laganap ang militarisasyon sa kanayunan. Sa ngayon ay may isang batalyon pa din ng Army (56th IB) ang nakalatag sa buong lalawigan ng Aurora at may mga naitala ng mga insidente ng paglabag sa karapatan tulad ng illegal na pag-aresto at pambubugbog ng sibilyan. Patuloy ang pagrerecruit ng kapulisan.
Maraming aksidente na din anila ng paglabag sa mga karapatan ang kinasasangkutan ng ilang kapulisan. Ilan sa mga kasong ito ay nadala na sa kinauukulang korte samantala ang iba ay tila nababalewala na lamang. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment