Ika-20th Intramural ng Baler National High School, matagumpay na idinaus

Matagumpay na Ipinagdiwang ng paaralang Baler National High School ang kanilang ika-20th Intramural 2013 na nagsimula noong ika-20 ng Setiyembre.

Ang nasabing programa ay nagsimula sa parada ganap na ika-7:00 ng umaga sa Sentro Baler Sport Complex patungo sa kanilang paaralan sa Barangay Pingit.

Sumunod na ang programa na naging panauhing tagapagsalita si Mr. Ronaldo Bernardo, GPTA President Ancheta at Barangay Captain Lysander Querijero, kasunod ang pagpapakilala ng bawat team, raising of banner at pormal na pagbubukas ng palaro.

Nakapaloob sa dalawang araw na programa ang mga gawaing pang-sports gaya ng bale ball, basketball at softball na kapwa nilahukan ng mga babae at lalaking manlalaro, kasama rin ang sepaktakraw, badminton, chez, billiard at iba pa. Ang ibang laro ay isinagawa sa Baler Central School.

Ayon kay Ginoong Rolando Parajillo, isang guro, ang nanalo sa palaro at napili ang siyang entry o pambato nila upang lumaban sa gaganaping Baler District Meet sa darating na ikatlo hanggang ikalima ng Oktubre. (Melanie Hugo)

Comments