Isulong at
itaguyod ang paggalang sa karapatang pantao, katarungan para sa mga biktima ng
batas militar, katarungan para kina Waldo Palispis, Willem Geertman, Joey
Etriber at iba pa, at papanagutin ang may kagagawan ng pagdukot, ilan lamang
ito sa sigaw at panawagan ng mga grupong nagtatanggol at nagtataguyod sa
karapatang pantao sa lalawigan ng Aurora sa isinagawang Caravan noong ika-21 ng
September 2013 na pinangunahan ng Mult- Sectoral Action Group (MSAG-Aurora) sa
paggunita sa ika-41 taon ng Martial Law mula noong 1972.
Ang naturang
programa ay may temang “Sama-samang pagkilos laban sa paglabag ng estado sa
karapatan ng mamamayan sa politika at kabuhayan.
Nagsimula at
paglalakbay mula sa bayan ng San Luis patungo sa bayan ng Baler, Dipaculao at
Maria Aurora.
Ito ay
dinaluhan ng may 200 katao mula sa iba’t-ibang samahan at mga Parokya sa
Gitnang Aurora katulad ng Bataris, JPAG, PAMANA, AKAP iba pang mga sektor sa
lalawigan.
Bit-bit ang
mga streamer at placard, nagsagawa ang mga ito ng programa sa bawat bayan na
kanilang pinuntahan, nagpahayag ng pagkondina sa mga paglabag sa karapatang
pantao ang bawat samahang nakiisa sa
Caravan.
Isa sa
binigyang pansin ng grupo, ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na
kinasasangkutan ni Janeth Napoles, at ng mga Senador at kongrisista na malinaw
na pagyurak umano sa karapatan ng mga Plipino sa kaunlaran at kabuhayan.
Comments
Post a Comment