Kakulangan sa supply ng tubig, reklamo ng ilang turista sa Ermita Hill

Kasalukuyan paring ginagawan ng paraan ng GSO ang hinaing ng ilang turista at ng ilang kababayan natin ang kakulangan sa supply ng tubig dahil sa kawalan ng pump sa Ermita Hill.

Ayon kay Ginoong Ricardo Penera, watchman sa lugar, ginagawan naman nila ito ng paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pumupunta dito. 

Aniya, sumasalok sila ng tubig mula sa ibaba gamit ang ilang container at sasakyang tricycle.
Malinis at maayos naman ang lugar, subalit may ilang paalala parin sila lalo at higit sa mga kabataang namamasyal dito na iwasan ang pagsusulat o vandalism sa mga upuan, pader at katawan ng mga puno. 

Sa mga mag pi picnic naman, sinupin ng mabuti ang mga naiiwang basura gaya ng mga plastic at siguraduhing ilagay ito sa tamang basurahan upang maiwasan ang pagkalat nito sa paligid. (Melanie Hugo)

Comments