Patuloy ang kampanya ng
Provincial Veterinary Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora laban sa
mapanganib na Rabies mula sa kagat ng Aso at iba pang hayop.
Ang pagbabakuna sa mga Hayop
partikular sa Aso ang isinasagawa ng tanggapan ni Dr. Angelo Silvestre, hepe ng
PVET Aurora, personal na nagtutungo sa bahay-bahay ang mga tauhan ng nasabing
tanggapan upang mabakunahan ang mga alagang Aso.
Mula Hulyo hanggang Agusto
2013, ay umabot na sa 4,151 aso ang nabakunahan sa limang (5) bayan ng Aurora,
sa kasalukuyan ay nagsasagawa parin ng pagbabakuna sa bayan ng Dilasag.
Comments
Post a Comment