Matagumpay na naidaos ng
daan-daang mga katutubo mula sa iba’t-ibang komunidad sa mga bayan ng Aurora,
ang “Linggo ng mga Katutubo” noong nakaraang Huwebes at Biyernes (August 29-30)
sa Barangay Diteki, San Luis, Aurora.
Ang ganitong gawain ay
taon-taun isinasagawa sa lalawigan tuwing buwan ng Agosto alinsunod na rin sa
United Nation Declaration, na ang buwan ng Agosto ay paggunita ng “Indigenous
People Week”. Dito kinikilala ang katangian at pagkakaisa ng mga katutubong
mamamayan sa buong daigdig, sa pamamagitan ng mga karapatan.
Layunin nito na “Upang
pagkaisahin at ipagtanggol ng sama-sama ang karapatan sa kabuhayan, Kalikasan
at higit sa igalang ang sariling pagpapasya sa lupaing Ninuno”. Sa ilalim naman
ng paksang “Katutubo ng Aurora: Palawakin, Patatagin ang hanay, at Depensahan
ang Lupaing Ninuno”.
Sa unang araw ng
pagdiriwang, nagtungo ang mga ito sa tanggapan ng NCIP at sa tanggapan ng DENR,
at nakipag-dayalogo sa mga opisyal ng nasabing mga ahensya at kanilang inihapag
at nilatag ang mga suliranin na kasalukuyang nararansan ng kanilang hanay.
Sa ikalawang araw ng
kanilang pagdiriwang, sa solidarity, nagbigay naman ng pahayag suporta o
pagkakaisa ang Parokya ni San Vicente Ferrer at
San Luis Rey Parish ganoon din ang iba’t-ibang NGO’s, PO’s at
Institution katulad ng AKAP, Dap-ay, PAMANA, JPAG, SAMAKA, SAKA, MiVo at
Bataris.
Comments
Post a Comment