Hindi na binigyan ng
pagkakataon ang mga pasaway na motorista hinggil sa panawagan nilang
ipagpaliban muna ang panghuhuli sa mga pasong plaka ng mga sasakyan.
Sinabi ni PO2 Bryan
Valenzuela, Sinimulan na nila ang panghuhuli noong lunes.
Barangay Pingit,
Baler, Aurora ang una nilang pinuntirya na kung saan nagsagawa sila ng
Checkpoint at masusing binantayan ang bawat dumaraang sasakayn upang
inspeksyunin.
Hindi lamang ang mga
tricycle na naghahatid at nagsusundo sa mga paaralan.
Sinabi ni Valenzuela
na sa ganitong mga lugar madalas over loading ang mga sasakayang tricycle lalo
na sa panahon ng pagpasok at uwian ng mga istudiyante.
Hindi lamang ito,
aniya, sa mga kaso ng over loading kundi sa lahat ng mga bumibiyahe na walang
kaukulang papeles gaya ng lesensya, plaka, helmet, mga nagmamaneho ng lasing,
menor de edad at marami pang iba. Magkatuwang ang LTO at PNP sa pagsasagawa ng
panghuhuli para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Comments
Post a Comment