Lupaing Ninuno, Scholarship at kabuhayan, hiling ng mga Katutubo

Sama-samang nagtungo sa tanggapan ng National Commission On Indigenous People (NCIP) sa barangay Reseva, at sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa barangay Pingit, Baler, Aurora ang mga Katutubo noong Agusto 29, 2013 unang araw ng kanilang pagadiriwang ng Linggo ng mga katutubo.

Unang tinungo ng mga ito ang tanggapan ng NCIP at nakipag-dayalogo sa mga opisyan nito. Dito hinihiling nila sa ahensya na bigyan sila ng tulong kabuhayan at scholarship sa mga kabataan. Tiniyak naman umano ng tanggapan na pag-aaralan at gagawan nila ng paraan para maibigay ang mga kahilingan ng mga ito.

Sumunod na nagtungo sa tanggapan ng DENR ang grupo, dito inalam nila ang istatus ng kaso sa dating lupaing ng mga Dumagat sa Sitio Delebsong, Barangay Nipoo, Dinalungan, Aurora na sinakop umano ng pamilyang Guerrero.

Matatandaang noong Mayo 2013 napatay ang isang Dumagat na si Armando Maximino ng di umanoy mga tauhan ng Guerrero sa lugar dahil sa pag-angkin sa kanilang lupaing, sinunug din ang may 7 bahay ng mga katutubo na nakatira doon.

Ayon sa grupo ng mga katutubo, isa umano itong karahasan at paglabag sa kanila.

Wala panamang malinaw na sagot ang ahensya kung sino ang may karapatan na umukupa sa naturang lupa, sapagkat tabi lamang ito ng dagat. 

Sa huli, panawagan ng mga ito na ibalik ang mag ari-arian na dapat ay sa kanila. (Arnel M. Turzar)

Comments