Magkapatid, kusang loob na sumuko sa Maria Aurora PNP

Kusang loob na sumuko sa mga otoridad ang magkapatid na sangkot sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.", sa bayan ng Maria Aurora, Aurora, kahapon (Sept.3, 2013) ng umaga.

Base sa ulat ng Maria Aurora PNP, kusang loob na nagtungo sa kanilang himpilan ang magkapatid na sina Dominador “Jojo” Opindo Jr. y Alata, 41 taong gulang, may asawa, at si Ariel Olpindo y Alata, 39 na taong gulang, binata at kapwa residente ng Purok 02, sa Barangay San Jouaquin, sa nasabing bayan.

Ang mga suspek ay matagal nang nasa listahan bilang wanted person ng nasabing himpilan sa bisa ng Warrant of Arrest na may criminal case # 3930 na inisyu ni Hon. Judge A. Evelyn Atieza-Turla ng Regional Trial Court na dating branch 66 at ngayon ay branch 90 na may petsang October 30, 2008.

Habang sinusulat ang balitang ito, ang dalawang suspek ay kasalukuyang naka kulong sa piitan ng Maria Aurora PNP at umaabot sa 24,000 ang halaga ng piyansa ng bawat isa para sa pansamantalang laya ng mga ito habang dinidinig ang kaso. (Arnel M. Turzar)

Comments