Mga biktima ng typhoon labuyo sa Aurora, makakatanggap ng Cash-for Work

Nakatanggap ng Cash-for-Work mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang may 1,727 na pamilyang labis na naapektohan ng typhoon labuyo noong nakaraang buwan ng Agusto 2013 sa mga bayan ng Dipaculao, Casiguran at Dinalungan (DiCaDi).

Ayon kay Precy Tiopingco, focal person ng DSWD Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), sinabi nito na bibigyan ng 10 araw na trabaho ang mga ito na may P252.00 ang sahod kada araw. Pag-sasaayos ng mga bahay na nasira ng bagyo at pagtatanim ng punong kahoy ang partikular na gawain.

Tinukoy ni Tiopingco na ang bayan ng Casiguran ang may pinakamalaking bilang ng mamilya ang naapektohan ng kalamidad na dumaan sa lalawigan na umabot sa 1,257, sumunod ang bayan ng Dinalungan na may bilang na 369 at ang bayan ng Dipaculao na may 101.

Makakatanggap ang 991 na pamilya ng tulong mula sa DSWD ng P10,000 cash ang bawat pamilya na may totally Damaged sa kanilang mga ari-arian.

Samantala makakatanggap naman ng P5,000 cash na tulong mula parin sa nasabing ahensya ang may 1,390 pamilyang may partially damaged sa kanilang mga ari-arian. (Arnel M. Turzar)

Comments