Mga retailer ng bigas sa pamilihang bayan ng Baler, uma-alma sa patuloy na pagtaas ng presyo nito

Hindi lang mamimili ang umaalma sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa pamilihang bayan ng Baler, apektado rin ang ilang mamumuhunan na siyang bumibili ng mga angkat na produktong bigas mula sa loob at labas ng lalawigan.
Anila, Bukod sa napakalaki at dagdag budget na kakailanganin upang matugunan ang sapat na supply ng bigas sa naturang bayan, pahirapan din umano itong ilako sa mga mamimili dahil ang ilan sa mga sako-sakong ibinabagsak mula sa lalawigan ay may halo umano ng NFA Rice.
Hindi na bago anila ang ganitong kalakaran sa ating bansa partikular sa lalawigan ng Aurora, pero ang sestemang ito ay higit na mas malaki ang apekto sa kagaya nilang maliliit na mamumuhunan.
Sa ganitong paraan anila na doble pa kumpara sa dating presyo nito na kung tutuusin ay pwede naman daw ito mabili sa mababang halaga.
Dadad pa nila na bagamat may pagtaas na dati sa mga presyo ng pangunahing bigas sa lalawigan ay naisasalaba parin ang sariling produkto na Aurora rice dahil higit na mas mababa ito sa mga bigas na nanggagaling sa labas ng lalawigan.
Kaya hinaing at panawagan ng mga ito sa mga magsasaka,  sa halip na ipagbili nila ang mga aning palay sa mga dayuhang mamimili, ma ainam umano na dito nalang ipagbili para sa ganitong paraan ay makakasiguro ang mga mamamayan at konsyumer na wala itong halo.
Buwelta naman ng mga magsasaka, bukod sa wala silang mapagbentahan ng palay dahil sa pansamangtalang pagtigil sa operasyon ng Aurora KOICA Rice, naipagbibili nila ang aning palay sa mas mataas na halaga sa mga dayuhan. (Arnel M. Turzar/Melanie Hugo)

Comments