Nagkalat na basag na bote sa Bayan ng Baler

Nagtambak na basura at nagkalat na basag na bote sa kalsada, ito ang tumbad kina Konsehal Boyet Ong at Konsehal Noel Go ng Baler habang nag jo-jogging ang mga ito sa gilid ng Buongan River, sa Sitio Boton, Baler, Aurora noong umaga ng Sabado (Sept.14, 2013).

Hindi umano makapaniwala ang mdalawang opisyal ng pamahalaang bayan ng Baler sa nakita nilang nakatambak na basura malapit lamang sa bagong tayong tangke ng tubig at gasolinahan sa tabi ng ilog, lalo pa nga at ito ay sakop ng Sabang Ecotourism Authority o SETA.

 Agad naman umanong inereport ng dalawa kay Baler MENRO Liza Costa ang natuklasang lugar na ginagawang dumping site.

Ayon pa sa dalawa isa umano sa malaking problema ng Baler ay ang lugar king saan itatapon ang halos isang (1) tonelada ng basura na hinahakot sa araw-araw.

Sinabi pa ng mga ito na tinatanggihan narin sa Material Recovery Facility ang mga dinadalang basura roon dahil hindi umano na sesegregate ang mga ito, kayat nangyayari nga na kahit saang lugar na lang ay hinagawang tapunan ng basura, ng ilang individual na walang disiplina. (Rey S. Fernando)

Comments